^

Probinsiya

Illegal recruiter nalaglag

-
BAGUIO CITY – Makalipas ang anim na taong pagtatago matapos na makapang-biktima ng tatlong aplikanteng nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa, nalambat na rin ng pulisya ang responsableng illegal recruiter sa kanyang bahay sa Barangay Pacdal, siyudad na ito.

Hindi na nakapalag ang suspek na si Jessica Nudo, 39, alyas Erika de Torres at Erika Bautista, ng Maria Basa, Pacdal, Baguio City nang biglang sumugod sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group-Cordillera, ang tatlo sa nabiktima nito kasunod ng pagkakaaresto sa una.

Ayon kay Senior Supt. Marvin Bolabola, nadakip si Nudo dakong alas-4:00 ng hapon noong Sabado, nang matiyempuhan ito sa kanyang bahay ni SPO2 Ernesto de Guia, dala ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Edilberto Claravall ng Branch 60 ng Regional Trial Court, Baguio City, sa kasong 3 counts of estafa. (Artemio A. Dumlao)

vuukle comment

ARTEMIO A

BAGUIO CITY

BARANGAY PACDAL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-CORDILLERA

ERIKA BAUTISTA

JESSICA NUDO

JUDGE EDILBERTO CLARAVALL

MARIA BASA

MARVIN BOLABOLA

REGIONAL TRIAL COURT

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with