^

Probinsiya

11-anyos kidnap-victim nasagip!

-
Nabulilyaso ang tumataginting na P10 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng isang 11-taong gulang na kidnap-victim na anak ng mayamang negosyante matapos na lansiin ng isang alkalde ang mga suspek dahilan para mabawi ang bata ng walang bayad at muntik pang ikadakip ng mga suspek sa rescue operation na isinagawa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa report na tinanggap kahapon ni PNP Chief Director General Oscar Calderon, naisahan ni Parang Mayor Talib Abo ang mga dumukot sa batang mag-aaral at pinaniwalaang nakahanda na ang ransom money na ipagkakaloob sa kanila kahapon ng umaga kapalit ng pagpapalaya sa kinidnap na biktima.

Nabatid na ang biktima ay puwersahang kinidnap ng tatlong armadong kidnappers sa pinapasukan nitong paaralan noong Hunyo 23 sa bayan ng Parang at itinago sa hindi nabatid na safehouse.

Agad na nakipag-ugnayan ang mga suspek sa pamilya ng bata na sinasabing nagmamay -ari ng ilang hardware store sa Maguindanao at humihingi ng hanggang sampung milyong pisong ransom kapalit ng kalayaan ng kanilang bihag.

Ayon sa Cotabato PNP, nagbanta pa ang mga dumukot na may masamang mangyayari sa bata kapag nagmatigas ang mga magulang nito at tumangging ibigay ang kanilang hinihingi

Dakong alas -8 ng umaga ng mabawi ang biktima sa isang lugar sa bayan ng Parang matapos itong abandonahin ng mga kidnapper sa takot na maaresto ng mga operatiba ng pulisya.

"When the kidnappers called up and they were ready to return the boy in exchange for the ransom, I told them the money is ready," pahayag ni Mayor Abo sa mga awtoridad.

Lingid sa kabatiran ng mga suspek ay may inihanda ng plano ang Mayor at mga kasama nitong pulis kaya napilitang abandonahin ang bata ng biglang salakayin ng mga awtoridad ang napagkasunduang lugar ng bayaran.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kagawad ng pulisya habang naglunsad na ng malawakang operasyon laban sa grupo ng mga kidnappers. (Joy Cantos)

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

COTABATO

DAKONG

HUNYO

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MAYOR ABO

PARANG MAYOR TALIB ABO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with