Misis ng suspek sa Maguindanao bombing itinumba
July 7, 2006 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Patuloy na lumalala ang karahasan sa Mindanao matapos na mapatay sa pananambang ang asawa ng isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front na itinuturong utak sa pambobomba sa convoy ni Maguindanao Governor Andal Ampatuan noong Hunyo 2006 sa Cotabato City noong Miyerkules.
Ang biktimang si Bai Fausa Daud Pakiladatu na asawa ni MILF Commander Zaid Pakiladatu ng bayan ng Datu Piang ay lulan ng Nissan Urvan nang dikitan at pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo sa panulukan ng Jose Lim at Roman Vilo Street sa Cotabato City noong Miyekules ng hapon.
Ayon kay Capt. Ritchie Pabilonia, Spokesman ng AFP-Southcom, si Pakiladatu kasama ang isa pang kumander ng MILF na si Ameril Umbra Kato ay itinuturong nasa likod ng pambobomba sa convoy ni Maguindanao Governor Andal Ampatuan noong Hunyo 23 na ikinasawi ng 7-katao habang 11 pa ang malubhang nasugatan.
Si Gov. Ampatuan ay nakaligtas sa nasabing bombing sa harapan ng palengke ng Shariff Aguak.
Pinangangambahan ang posible pang pagdanak ng dugo sa pagitan ng MILF rebels at mga tauhan ng Civilian Volunteers Organization na sympathizer ng gobernador na nauna nang lumusob sa teritoryo ng mga rebelde na nagbunsod sa umaatikabong bakbakan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest