^

Probinsiya

4 militante kinasuhan; 2 pinalaya

-
MALOLOS CITY, Bulacan – Apat na opisyal ng militanteng grupo na pawang jeepney drayber sa Gitnang Luzon ang kinasuhan ng illegal possession explosives, samantalang dalawa namang kasama ng mga ito ang pinalaya at isa pa ang nawawala makaraang arestuhin ng mga awtoridad sa bahagi ng Angeles City, Pampanga noong Lunes.

Sa pahayag ng isa sa lider ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Bulacan na si Dory Mendoza, kabilang sa mga kinasuhan ay sina Fernando Poblacion, Jose Ramos at Francis Aquino, samantalang pinalaya naman sina William Aguilar at Archie de Jesus, habang nawawala pa si Emerlito Lipio.

Ang mga biktima ay mga opisyal at miyembro ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) sa Gitnang Luzon.

Ayon kay Mendoza, ang mga biktima ay dinakip ng pulisya noong Lunes ng umaga habang nagpupulong sa bahay ni De Jesus sa Hensonville, Barangay Malabanias, Angeles City, kung saan ay pinag-usapan ang isasagawang mass transport strike sa mga lalawigan ng rehiyon sa Lunes, Hulyo 10.

Napag-alamang matapos na madakip ang pito ay nakumpiskahan ng mga pampasabog, subalit pinabulaanan ng pito ang akusasyon ng mga awtoridad.

Gayon pa man, nangangamba ang mga militante sa misteryosong pagkawala ni Lipio na posibleng may kinalaman ang military na pinabulaanan naman nito. (Dino Balabo)

vuukle comment

ANGELES CITY

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BARANGAY MALABANIAS

BULACAN

DE JESUS

DINO BALABO

DORY MENDOZA

EMERLITO LIPIO

GITNANG LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with