Insurance agent pinabulagta
July 5, 2006 | 12:00am
CAVITE May posibilidad na hinoldap at pinatay ang isang 36-anyos na insurance agent na natagpuan ang bangkay sa loob ng kotseng kulay asul na nakaparada sa gilid ng kalsadang sakop ng Barangay Molino 2 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng umaga. Bandang alas-10 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Joselito Soliven ng Block 9 Lot 3 Phase 1 Villa Tivoli Street, Cita Italia Subd., Barangay Mambog ng bayang nabanggit. Ayon kay SPO2 Wilfredo David, ang biktima ay may malaking sugat sa noo na pinaniniwalaang pinalo habang nakaupo sa loob ng Nissan Blue Bird na may plakang TCT 162. (Cristina Timbang)
DINALUPIHAN, Bataan Sinamantala ng tatlong holdaper ang katatapos na boksing nina "Pacman" at "Chololo" makaraang pagnakawan ang isang gasolinahan na may 50 metro lamang ang layo sa presinto ng pulisya sa Barangay San Ramon, Dinalupihan, Bataan noong Linggo ng umaga.
Nalagasan ng P50, 298.75 kinita sa maghapon ang Total Gasoline Station, samantalang natangay naman ang dalawang celfone sa supervisor na si June Amelon Chavez at Winnie de Guzman, cashier. Ayon kay Bataan police director P/Senior Supt. Hernando Zafra, nagpanggap na customer ang tatlong sakay ng Toyota Corolla na kulay asul (WCH-881) nang tutukan ng baril ang mga biktimang nasa booth. (Jonie Capalaran)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinaniniwalaang dinamdam ng isang 65-anyos na mister ang kahirapan sa buhay kaya nagdesisyong magbigti sa punong mangga sa Zone 1, Barangay Castillo sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur, kahapon ng madaling-araw. Bandang alas-4:45 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng magsasakang si Rogelio San Diego. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na animoy may malalim na iniisip habang nakaupo sa hagdanan ng kanilang bahay. Wala namang iniwang suicide note ang biktima. (Ed Casulla)
Nalagasan ng P50, 298.75 kinita sa maghapon ang Total Gasoline Station, samantalang natangay naman ang dalawang celfone sa supervisor na si June Amelon Chavez at Winnie de Guzman, cashier. Ayon kay Bataan police director P/Senior Supt. Hernando Zafra, nagpanggap na customer ang tatlong sakay ng Toyota Corolla na kulay asul (WCH-881) nang tutukan ng baril ang mga biktimang nasa booth. (Jonie Capalaran)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest