MILF nagdeklara ng ceasefire sa Maguindanao
July 4, 2006 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nagdeklara na kahapon ng unilateral ceasefire ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos na umabot sa 20,000-katao ang inilikas dahil sa madugong bakbakan ng magkalabang angkan sa Maguindanao.
Sinabi ni MILF Spokesman Eid Kabalu, umabot na sa 40-katao na pinaniniwalaang panig kay Maguindanao Governor Andal Ampatuan ang napapatay, samantalang 20 naman ang nasugatan, isa ang patay sa hanay ng MILF at sampu naman ang sugatan.
"The fighting has subsided though there have been pocket skirmishes and shelling. We are open to a peaceful resolution to this problem. What is unclear here is that the police, the military and the local government cant say who has direct control over the CVOs," ani Kabalu sa umaatikabong bakbakan na sumiklab simula pa noong Hunyo 28.
"MILF Chairman Murad Ebrahim ordered our guerrillas to stop firing their guns effective Sunday evening. They were told to fire their guns only if they come under attack," dagdag pa ni Kabalu sa phone interview.
Kabilang sa mga bayang apektado maliban sa bayan ng Shariff Aguak ay ang Mamasapano, Datu Piang at Datu Saudi Ampatuan.
Ayon sa ulat, sumiklab ang madugong bakbakan matapos na tangkaing arestuhin ng security forces ng lokal na pamahalaan ang dalawang kumander ng MILF na sina Ameril Umbra Kato at Zaid Pakiladatu na kapwa itinuturong utak sa madugong pambobomba sa convoy ni Gov. Ampatuan noong Hunyo 23 sa Shariff Aguak na ikinasawi ng 7-katao at ikinasugat ng 10.
Sinabi ni Kabalu na hindi nila isusuko ang dalawang kumander hanggat wala pang resulta ang imbestigasyon.
Nanawagan naman si Major General Rodolfo Obaniana, kumander ng 6th Infantry Division sa mga armadong CVO na lisanin ang teritoryo ng MILF upang maiwasan ang posible pang pagdanak ng dugo. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest