2 bata todas sa kamandag ng lamok
July 2, 2006 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Naglaho ang magandang kinabukasan ng dalawang paslit na mag-aaral na maagang kinarit ni kamatayan na pinaniniwalaang biktima ng kamandag ng lamok na may dengue kamakalawa sa Barangay Cupang, Antipolo City.
Kabilang sa biktima ng killer lamok ay sina Leonel Leosala at Ma. Lourdes Mangilit, kapwa 6-anyos na residente ng Purok 5, Zone 8 ng nabanggit na barangay at mag-aaral sa Cupang Elementary School.
Napag-alamang magkasabay na umuwi ang biktimang kapwa masama ang pakiramdam dahil sa taas ng lagnat mula sa nabanggit na eskuwelahan.
Mabilis namang isinugod sa Quirino Memorial Hospital ang dalawa, subalit habang ginagamot si Mangilit ay sumuka ito ng dugo at ilang oras pa ang nakalipas ay sinalubong ni kamatayan.
Gayundin si Leosala na nilabasan ng kulay pulang likido sa ilong at sumuka ng dugo bago binawian ng buhay.
Ayon sa ulat, ang utol ni Leosala na si Jasmin ay kasalukuyang ginagamot sa nabanggit na ospital na pinaniniwalaan ding naturukan ng kamandag ng lamok na may dalang dengue.
Nabahala naman si Antipolo City Mayor Angelito Gatlabayan kaya agad nitong ipinag-utos sa mga opisyal ng kalusugan na masusing imbestigahan ang insidente kung may dengue outbreak sa nabanggit na barangay. (Edwin Basala)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am