Coed ni-rape slay saka inilibing
June 30, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Hindi na masisilayan ng mga magulang ang magandang kinabukasan ng kanilang anak na kolehiyala makaraang halayin, patayin saka inilibing sa buhanginan ng sariling pinsang lalaki sa Purok 6, Barangay Muladbucad Grande sa bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng gabi.
Natagpuan sa mababaw na hukay ang bangkay ni Ann-Ann Bongalos, 1st year college student sa Immaculate Concepcion College sa bayan ng Daraga, Albay at residente ng nabanggit na barangay.
Samantala, ang suspek na si Edmun Madrona ay agad naman nasakote ng pulisya matapos na makilala dahil sa naiwang sombrero nito sa pinaglibingan ng biktima.
Napag-alamang pinasundo ng mga magulang sa suspek ang biktima mula sa pinapasukang unibersidad dahil kumakagat na ang dilim.
Huling namataang buhay ang biktima na kaangkas sa motorsiklo ng suspek hanggang sa hindi nakauwi pa ng kanilang bahay.
Kinabukasan ng madaling-araw ay aksidenteng natisod ng magkakaibigang sina Freddie Orbiana, Randy Orobio at Gilbert Orobio ang bangkay ng biktima sa mababaw na hukay kaya agad nilang ipinagbigay-alam sa pulisya.
Ayon sa pulisya na may palantandaang hinalay muna bago sinakal hanggang sa mapatay ang biktima.
Dahil sa naiwang sombrero sa crime scene ay mabilis naman natukoy ng pulisya ang suspek na ngayon ay pormal na kinasuhan. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest