Mag-utol na paslit kinatay ng ama
June 30, 2006 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Walang pinipiling edad sa kasalukuyang panahon ang karit ni kamatayan kaya maging ang mag-utol na paslit ay nadamay makaraang pagtatagain hanggang sa mapatay ng sariling ama sa mabundok na bahagi ng bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Animoy kinarneng baboy at halos humiwalay ang ulo sa katawan ng mga biktimang sina Robert, 4; at Clarissa Ross, 1, samantalang ang suspek na pinaniniwalaang sinaniban ng masamang espiritu na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya ay nakilalang si Hernani Ross, 38, magsasaka, mag-uuling at nakatira sa Sitio Kalayakan, Barangay Kalawakan ng nabanggit na bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago maganap ang malagim na krimen, kalimitang nagsusuot ng medalyon na itinuturing na agimat ng suspek.
Napag-alamang itinapon ng suspek ang kanyang medalyong agimat, at sa halip ay rosaryo ang ikinuwintas sa paniniwalang malalabanan nito ang udyok ng demonyo.
Gayon pa man, hindi rin napigil ng rosaryo ang masamang espiritung bumubulong sa suspek na katayin ang kanyang mga anak.
Bandang alas-2 ng madaling-araw ng Miyerkules, kinuha ni Hernani ang nakasukbit sa dinding na gulok at pinagtataga ang kanyang dalawang anak na magkatabing natutulog hanggang sa sumalubong si kamatayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended