^

Probinsiya

3 holdaper tumba sa barilan

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa serye ng holdapan sa mga gasolinahan sa Batangas ang napatay ng pulisya makaraang makipagbarilan sa isang checkpoint sa Barangay Cawit, Taal, Batangas, kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Inspector Virgilio Manimtim, hepe ng Taal PNP, ang mga napatay na sina Jayson Macalalad, 21; Crisanto Lagda, 35, kapwa residente ng Barangay Magabe, Balayan, Batangas at isang lalaki na nakilala lamang na "Larry".

Ayon sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi habang nagbabantay sa checkpoint ang mga pulis sa Barangay Mahabang Ludlod nang parahin ang motorsiklong pinagsasakyan ng tatlo sa nabanggit na barangay.

Imbes na tumigil, biglang pinaharurot ng tatlo ang motorsiklo hanggang sa habulin ng mga pulis at nauwi sa ilang minutong barilan kay bumulagta ang mga suspek.

Ang tatlong suspek ay kinilala ng mga gasoline boy ng Flying V at BM Gasoline Station sa bayan ng Taal, Sea Oil sa bayan ng San Luis at Petron sa bayan ng Bauan na nangholdap sa kanila sa iba’t ibang pagkakataon.

Narekober sa mga suspek ang dalawang baril at motorsiklo na ginamit sa kanilang modus operandi. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY CAWIT

BARANGAY MAGABE

BARANGAY MAHABANG LUDLOD

BATANGAS

CRISANTO LAGDA

ED AMOROSO

FLYING V

GASOLINE STATION

JAYSON MACALALAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with