3 hijacker dedo sa barilan
June 27, 2006 | 12:00am
BATANGAS Tatlong kalalakihan na miyembro ng hijacking syndicate ang napatay ng pinagsanib na elemento ng Traffic Management Group, Criminal Investigation and Detection Group, Regional Special Operations Group at ng pulis-Batangas makaraan ang madugong barilan sa itinayong checkpoint sa bayan ng Padre Garcia, Batangas kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay P/Senior Supt. Francisco Don Montenegro, Batangas police director, dead-on-the-spot ang dalawa sa apat na hijackers, samantalang namatay naman ang isa pang suspek na si Chen Ge Huai Chua ng Dimalasang St., Pasay City habang ginagamot sa Rosales Hospital.
Nagawa namang makatakas ng isa sa apat na hijacker at kasalukuyang tugis ng pulisya.
Bandang alas-3 ng madaling-araw nang makatanggap ng flash alarm ang pulisya ng Southern Tagalog matapos haydyakin ang isang six-wheeler cargo truck (RAJ-547) sa bahagi ng bayan ng Cabuyao, Laguna.
Kaagad na nagtayo ng ilang checkpoint ang pulisya sa posibleng pagdaanan ng mga suspek hanggang sa makasagupa ng mga pulis sa may Barangay Castillo, ilang metro lang ang layo sa bayan ng Padre Garcia.
Kasalukuyang bineberipika pa ang pagkikilanlan sa mga suspek na kasalukuyang inilagak sa Eternal Funeral Homes sa Batangas City.
Nakarekober ang pulisya ng isang M-16 rifle, dalawang maiksing baril, isang Isuzu Trooper at isang Toyota Corolla mula sa crime scene.
Napag-alaman na ang cargo truck ay naglalaman ng 650 kahon ng gatas na produkto ng Nestle Phils. na nagkakahalaga ng P2.5 milyon, samantalang ligtas naman ang drayber at pahinante ng truck, ayon na rin kay Montenegro, (Arnell Ozaeta, Joy Cantos at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am