Sa ulat ni Major Gen. Gabriel Habacon, hepe ng AFP Southcom, sumiklab ang sagupaan simula pa noong Hunyo 20 dahil sa matinding alitan sa lupang sakahan sa bayan ng Talakag, Bukidnon.
Dahil sa patuloy na giyera ay nagsilikas ang mga residenteng naninirahan sa nabanggit na bayan sa takot na maipit sa mistulang ubusan ng lahi ng magkalabang angkan.
"Military reports said 25 people had been killed in the clashes because of land dispute between Muslims and tribesmen in the town," pahayag ni Capt. Jose Ritche Pabilonia, Spokesman ng AFP-Southern Command.
Kaagad namang ipinakalat ang tropa ng militar sa nabanggit na bayan upang maiwasan na magpatuloy pa ang pagdanak ng dugo.
"I have directed the commander in the area to stop the fighting and disarm the protagonists and arrest those responsible in these senseless killings," pahayag ng opisyal.
Napag-alamang nagbabakbakan ang dalawang grupo sa malawak na taniman na inaangkin din ng isang dating lokal na opisyal ng gobyerno. (Joy Cantos)