Libong katao stranded sa bagyong Domeng
June 26, 2006 | 12:00am
LEGAZPI CITY Libong mga pasahero sa Bicol region ang na-stranded sa ibat ibang pantalan matapos na hindi na payagan ng Philippine Coast guard na makapaglayag ang mga pampasaherong barko dahil sa bagyong Domeng sa Bicol region.
Batay sa inisyal na talaan ng Office of Civil Defense (OCD) sa Matnog Port, umaabot sa 1,368 pasahero ang stranded, 155 sa Tabaco, 20 sa Virac, 10 sa Sabang Camarines Sur, 8 sa Pasacao, 150 sa Pilar Sorsogon at 35 sa Bulan.
Umaabot na rin sa 20 trucks, 38 bus, 17 kotse at 8 barko na pawang nakahimpil sa tagong lugar.
Samantala, ang typhoon signal no. 2 ay nakataas na sa Masbate at ang Signal no. 1 naman sa mga lalawigan ng Sorsogon, Albay, Burias Island, Catanduanes at Camarines Sur.
Pinaghahanda na rin ng OCD ang anim na bayan sa Sorsogon na apektado ng bulkang Bulusan dahil sa paparating na bagyong Domeng para sa evacuation lalo na sa mga delikadong lugar sa palibot ng Bulkan.
Sa kasalukuyan sa bayan ng Casiguran ay may 509 katao na nasa evacuation center sa Casiguran Vocational High School. Sa Irosin ay may 510 katao ang nasa Gallanosa High School at 947 katao naman ang nasa mga evacuation center ng Provincial Nursery, Cogon Elementary School at J. Alindogan Elementary School sa bayan ng Juban para ligtas sa anumang sakuna na idudulot ng dalang malakas na pag-uulan ng bagyo.
Patuloy pa rin na binabantayan ng mga health workers ang sitwasyon at kalusugan ng mga taong nasa evacuation centers habang dumagsa na rin ang pamamahagi ng mga pagkain, tubig at mga gamot na para sa mga bata. (Ed Casulla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended