"Kailangan naming mag-ingay para marinig kami ng mga kinauukulan, hindi naging maganda ang aming naging karanasan sa kaso ni ex-vice mayor Arthur Garcia" ani de Jesus sa PSN.
Ayon kay de Jesus, magkatulad ang naging kaso nina Garcia at Josue, dahil sa 40 araw matapos na mapatay si Dr. Josue at ilang linggo matapos sampahan ng kaso ang suspek ay wala pa ring warrant of arrest na ipinalabas ang korte hanggang ngayon.
Sa kaso naman ni Garcia, umiiwas naman ang mga huwes sa nabanggit na lalawigan na dinggin ang kaso ng suspek na pumatay kay Garcia hanggang sa malipat iyon sa Cabanatuan City, Nueva Ecija at ma-dismiss.
Sa kasalukuyan, nakabinbin pa ang kaso ni Garcia sa Department of Justice (DOJ).
"Sana mabuksan na uli yong kasi ni Vice Mayor Arthur para magtuluy-tuloy din ang hustisya sa kaso ni Dr. Josue," dagdag pa ni De Jesus.
Base sa rekord ng pulisya, katatapos lamang mag-jogging ni Garcia may ilang metro ang layo sa sariling bahay nang lapitan at barilin ng nag-iisang hindi kilalang lalaki sa Barangay San Juan, Hagonoy noong Mayo 22, 2004, samantalang si Dr. Josue ay katatapos lamang mamigay ng mga religious leaflets sa Barangay Bulusan nang barilin din ng mga armadong kalalakihan noong Mayo 14. (Dino Balabo)