^

Probinsiya

‘Walk for Jusrtice’ sa 2 pinaslang

-
CALUMPIT, Bulacan – Libu-libong residente ng Calumpit ang nakiisa sa tatlong kilometrong "Walk for Justice" noong Huwebes ng umaga kaugnay ng ika-40 araw na pagpatay kay Dr. Norman Josue, bayaw ni Mayor James de Jesus.

"Kailangan naming mag-ingay para marinig kami ng mga kinauukulan, hindi naging maganda ang aming naging karanasan sa kaso ni ex-vice mayor Arthur Garcia" ani de Jesus sa PSN.

Ayon kay de Jesus, magkatulad ang naging kaso nina Garcia at Josue, dahil sa 40 araw matapos na mapatay si Dr. Josue at ilang linggo matapos sampahan ng kaso ang suspek ay wala pa ring warrant of arrest na ipinalabas ang korte hanggang ngayon.

Sa kaso naman ni Garcia, umiiwas naman ang mga huwes sa nabanggit na lalawigan na dinggin ang kaso ng suspek na pumatay kay Garcia hanggang sa malipat iyon sa Cabanatuan City, Nueva Ecija at ma-dismiss.

Sa kasalukuyan, nakabinbin pa ang kaso ni Garcia sa Department of Justice (DOJ).

"Sana mabuksan na uli ‘yong kasi ni Vice Mayor Arthur para magtuluy-tuloy din ang hustisya sa kaso ni Dr. Josue," dagdag pa ni De Jesus.

Base sa rekord ng pulisya, katatapos lamang mag-jogging ni Garcia may ilang metro ang layo sa sariling bahay nang lapitan at barilin ng nag-iisang hindi kilalang lalaki sa Barangay San Juan, Hagonoy noong Mayo 22, 2004, samantalang si Dr. Josue ay katatapos lamang mamigay ng mga religious leaflets sa Barangay Bulusan nang barilin din ng mga armadong kalalakihan noong Mayo 14. (Dino Balabo)

vuukle comment

ARTHUR GARCIA

BARANGAY BULUSAN

BARANGAY SAN JUAN

CABANATUAN CITY

DE JESUS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DINO BALABO

DR. JOSUE

DR. NORMAN JOSUE

GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with