Labing-isang saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Leonardo Papa y Tampol, 38, ng nabanggit na barangay.
Kasalukuyan namang naghihimas ng rehas na bakal matapos na madakip ng pulisya ang suspek na si Edgar Cruz, 42, kapitbahay ng biktima sa naturang lugar.
Sa pagsisiyasat ni PO1 Richard Atienza, naitala ang krimen dakong alas-8 ng gabi habang nag-iinuman ng alak ang ilang kalalakihan kabilang na biktima at suspek.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, lumilitaw na nagkaroon nang pagtatalo ang dalawa tungkol sa laban nina Pacman at Larios sa darating na Hulyo 2.
Nairita ang biktima at sinigawan ang suspek sa tinuran nitong na pababagsakin ni Larios si Pacman.
Dahil sa napahiya ang suspek sa ilang kapitbahay ay agad na umalis at sa pag-aakalang tapos na ang away ay payapang nagpatuloy sa inuman ang biktima at mga kaibigan nito.
Subalit, ilang saglit pa ay bumalik ang suspek na senglot na may hawak na patalim at sunud-sunod na inundayan ng saskak hanggang sa bumulagta ang biktima.
Naisugod pa sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktima, subalit idineklarang patay. (Lolit Yamsuan at Cristina Timbang)