5 preso binitay sa selda
June 21, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Limang preso ang mistulang hinatulang mabitay sa silya-elektrika makaraang makuryente habang natutulog sa loob ng kanilang selda sa Bagong Buhay Rehabilitation Center sa Cebu City, kahapon ng madaling-araw.
Kabilang sa nasawing preso ay sina Roberto Caballes, Mike Viscaoro, Rustom Cuervo, Nestor Luna, at Nando Abalo na pawang idineklarang patay sa Cebu City Medical Center.
Patuloy namang isinasalba sa nasabing ospital ang dalawa pang preso na nagtamo rin ng matinding sugat sa ibat ibang katawan.
Batay sa ulat ng pulis-Cebu City, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa loob ng nabanggit na kulungan.
Napag-alamang dumikit ang talop na linya ng kuryente sa kisame ng special security isolation cell ng nasabing kulungan at dumaloy ang malakas na boltahe ng kuryente sa rehas na bakal kung saan nasandalan naman ng mga nasawing presong natutulog.
Maliban dito ay dumaloy din ang malakas na boltahe ng kuryente sa electric fan at ilaw ng kulungan.
Dahil dito ay anim pang preso ang inilabas sa selda upang maiwasang madamay habang isinasailalim pa sa masusing inspeksyon ng mga kinauukulan ang kulungan.
Ayon kay Jail Office 3 Neil Rosaroso, karamihan sa mga biktimang preso ay dinala kamakalawa sa nasabing security cell habang hinihintay pa ang desisyon kung saang selda sila isasadlak.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa malalimang imbestigasyon sa nabanggit na insidente. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended