^

Probinsiya

Army major na nagsauli ng P300,000 hindi na umabot sa parangal

-
FORT RAMON MAGSAYSAY, Palayan City – Isang army official na nakatakdang gawaran ngayong araw ng parangal at pagkilala sa Fort Bonifacio Army Headquarters matapos na magsauli ng pera na nagkakahalaga ng P300,000 ay hindi na makakarating matapos na maaksidente sa motorsiklo at sumakabilang-buhay kamakailan.

Si Army Major Roberto Manlapat, tubong Arayat, Pampanga, at disbursing officer ng 7th Infantry (Kaugnay) Division dito, ay bibigyang-parangal sana ngayong araw matapos na isauli nito sa Land Bank of the Philippines (LBP) ang sobrang P300,000 na winidraw nito sa naturang bangko.

Ayon kay Capt. Wilfredo Martin, pinuno ng 7ID Information office, ang pamilya na lamang ni Maj. Manlapat ang tatanggap ng parangal sa kanya matapos na mamamatay ito noong June 11 habang ginagamot sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City.

Nabatid na naaksidente sa kanyang minamanehong motorsiklo ang opisyal ng military noong June 4, 2006 at dahil sa matitinding tinamong pinsala sa katawan ay nanatili sa pagamutan hanggang sa bawian ng buhay.

Nabatid ng PSN na kasamang nag-withdraw ni Maj. Manlapat si TSgt. Danilo Morga sa LBP, Gabaldon St., Cabanatuan City Branch bago magtanghali noong Mayo 19, 2006. Nabatid na P17-million ang kanilang inilabas na pera para sa buwanang suweldo at mid-year bonus ng 7ID men and officers.

Nang makauwi sa kampo ay agad nilang binilang ang pera at nabatid na sumobra ng P300,000 ang ibinigay sa kanila ng teller ng bangko. Dahil dito, hindi nagdalawang-isip si Manlapat na isauli ang pera sa bangko at agad na tinawagan si Mernilo Ocampo, LBP branch manager.

Nang hapon ding iyon ay ibinalik ni Manlapat ang sumobrang pera nang walang panghihinayang at sinabi na hindi sa akin, iyan"

Nabatid na sumali sa Army si Manlapat noong 1974, at naging second lieutenant noong 1983. Sa isang lingo ay nakatakda na sana ang interview sa kanya for promotion to lieutenant colonel. Si Manlapat ay dati ring naging finance officer sa Camp Aguinaldo sa loob ng 6 na taon bago napunta sa kampo rito. (Christian Ryan Sta. Ana)

CABANATUAN CITY

CABANATUAN CITY BRANCH

CAMP AGUINALDO

CHRISTIAN RYAN STA

DANILO MORGA

DR. PAULINO J

FORT BONIFACIO ARMY HEADQUARTERS

GABALDON ST.

MANLAPAT

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with