Kapitolyo at kolehiyo pinutulan ng kuryente
June 18, 2006 | 12:00am
CABAROQUIS, Quirino Sa halip na liwanag ng bombilya at makabagong computer ang gamit sa pagtatrabaho ay kandila at makinilya na lamang ang pinagtitiyagaan ng mga kawani ng kapitolyo sa lalawigan ng Quirino matapos maputulan ng linya ng kuryente kabilang na ang isang kolehiyo dahil sa milyong pagkakautang.
Ayon sa pamunuan ng Quirino Electric Cooperative (Quirelco), Mayo 2006 nang magbigay sila ng "notice for disconnection" para bayaran ng Quirino Provincial Capitol ang kanilang pagkakautang na P5.9 milyon, subalit hindi sila nakapagbayad kung kayat napilitang alisan ng kuryente na nagresulta naman sa pagkaantala ng maraming trabaho at paghihirap ng mga kawani.
"Hindi makatarungan ang pagputol ng Quirelco sa linya ng kuryente dahil sa malubhang pinsalang dulot nito na nagiging dahilan upang maparalisa ang mga trabaho at transaksiyon sa ibat ibang opisina," pahayag ng pamunuan ng Kapitolyo.
Giit pa ng kapitolyo na sila ang dapat na magreklamo dahil ang Quirelco ang hindi nagbabayad ng buwis mula pa noong 1998 na umaabot naman sa halagang P13 milyon.
Sa ngayon ay apat na araw nang walang kuryente ang kapitolyo at hindi pa rin matiyak kung kailan maikakabit ang pinutol na kuryente matapos mapag-alamang si Governor Pedro Bacani ay nasa ibang bansa at hinihintay pa kung ano ang kanyang magiging aksyon sa pagkaputol ng kuryente.
Maliban sa Kapitolyo ng Quirino, ay naghihirap din ang mga estudyante sa Quirino State College na pinapatakbo rin ng provincial government matapos madamay na putulan ng kuryente kung kayat hindi magamit ang mga makabagong apparatus kabilang na ang mga computer.
Nakaligtas naman ang Quirino Provincial Hospital na kabilang din sana sa mga puputulan matapos isaalang-alang ang kalagayan ng mga pasyente kabilang na ang posibleng pagkasira ng mga naimbak na dugo. (Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest