^

Probinsiya

Tensyong pulitika sa Bataan, humupa

-
DINALUPIHAN, Bataan — Humupa na rin ang matinding tensyong pulitika na namamagitan sa provincial government at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bataan matapos na magpasa ng isang resolusyon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na nagdedeklarang persona-non-grata ang kontraktor ng Obayashi Corp., na gumagawa ng P21-bilyong Subic-Clark-Tarlac Expressway project na sinimulan sa Bataan. Napag-alamang naunang umalma sa nabanggit na resolusyon sina Dinalupihan Mayor Joel Jaime Payumo at Hermosa Mayor Efren Cruz dahil walang ginawang konsultasyon sa kanila. Ang pagdedeklara ng persona-non-grata ay resulta ng pagbalewala ng Obayashi sa hinihinging ulat ng provincial gov. kung ilang volume ng filling materials ang itatambak sa ginagawang highway at ang pagtangging pagbayad ng lokal na buwis na P4.3 milyon simula pa noong Abril. Itinanggi naman ng Obayashi ang mga akusasyon. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

ABRIL

DINALUPIHAN MAYOR JOEL JAIME PAYUMO

HERMOSA MAYOR EFREN CRUZ

HUMUPA

ITINANGGI

JONIE CAPALARAN

OBAYASHI

OBAYASHI CORP

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

SUBIC-CLARK-TARLAC EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with