Hiwaga ng yacon, sagot sa kalusugan
June 16, 2006 | 12:00am
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya Matapos magsulputan ang mga medicinal plants na pinaniniwalaang mabisa sa ibat-ibang karamdaman, kasabay naman nito ang pagkakadiskubre sa isang uri ng halaman na tinaguriang "wonder root crop" sa lalawigang nabanggit dahil sa taglay nitong kakaibang bisa laban sa ibat-ibang sakit sa katawan ng tao.
Ang yacon na dinala ng isang Hapones na si Yamashita at sinubukang itanim sa bulubundukin ng Nueva Vizcaya noong 2000 ay isa na ngayong pangunahing kabuhayan ng mga magsasaka sa ibat-ibang bayan sa Nueva Vizcaya matapos madiskubre ang taglay nitong bisa para sa kalusugan.
Ayon kay Board Member Jun Padilla, organizer at adviser ng Nueva Vizcaya Yacon Farmers Association, naging mabilis ang pagkilala sa produktong yacon sa bansa matapos ipalabas sa mga national television at internet ang taglay na bisa ng nasabing halaman para sa kalusugan na naging daan naman upang mabigyan ng magandang presyo sa merkado.
Ang yacon (Polymia Sonchifolia) na kapamilya ng Sunflower dahil sa halos magkatulad ang hugis ng dahon ng kamoteng kahoy na namumunga sa ilalim ng lupa matapos ang anim na buwan bago anihin.
Batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ang yacon ay pinaniniwalaang mabisang gamot sa Diabetes (Hyperglycemia); nagtataglay ito ng mataas na fiber na nakakatulong para sa may mga sakit sa digestive system; mainam din itong diet food; gamot din ito sa may kidney problem; blood purifier; fertility enhancer; gamot din sa insomia at colon cancer; body cleanser at garantisadong organic na nakakatulong para sa kalusugan.
Dahil sa patuloy na pag-aaral ay nadiskubre na ang yacon ay ginagamit din sa alcohol production at mabisa rin itong tulong para sa soil erosion dahil sa malalaking ugat na taglay nito. (Itutuloy)
Ang yacon na dinala ng isang Hapones na si Yamashita at sinubukang itanim sa bulubundukin ng Nueva Vizcaya noong 2000 ay isa na ngayong pangunahing kabuhayan ng mga magsasaka sa ibat-ibang bayan sa Nueva Vizcaya matapos madiskubre ang taglay nitong bisa para sa kalusugan.
Ayon kay Board Member Jun Padilla, organizer at adviser ng Nueva Vizcaya Yacon Farmers Association, naging mabilis ang pagkilala sa produktong yacon sa bansa matapos ipalabas sa mga national television at internet ang taglay na bisa ng nasabing halaman para sa kalusugan na naging daan naman upang mabigyan ng magandang presyo sa merkado.
Batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ang yacon ay pinaniniwalaang mabisang gamot sa Diabetes (Hyperglycemia); nagtataglay ito ng mataas na fiber na nakakatulong para sa may mga sakit sa digestive system; mainam din itong diet food; gamot din ito sa may kidney problem; blood purifier; fertility enhancer; gamot din sa insomia at colon cancer; body cleanser at garantisadong organic na nakakatulong para sa kalusugan.
Dahil sa patuloy na pag-aaral ay nadiskubre na ang yacon ay ginagamit din sa alcohol production at mabisa rin itong tulong para sa soil erosion dahil sa malalaking ugat na taglay nito. (Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended