Jueteng umarangkada na sa Nueva Vizcaya at Quirino
June 15, 2006 | 12:00am
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya Upang palawakin ang operasyon ng ilegal na sugalan sa bansa ay dumayo pa ang isang gambling lord mula pa sa Pangasinan, kaya muling umarangkada ang jueteng sa Nueva Vizcaya at Quirino.
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source na ayaw magpabanggit ng pangalan, isang alyas "ERV" na kilalang gambling lord sa Pangasinan ang tumatayong financier nang muling pagkabuhay ng jueteng sa dalawang nabanggit na lalawigan at ilang karatig pook.
Maliban sa Nueva Vizcaya at Quirino ay sakop din ng nasabing gambling lord ang Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at ilang bahagi ng Cordillera Region.
Ayon naman kay P/ Senior Supt. Rogelio Damazo, provincial director, agad na niyang inatasan ang pamunuan ng Criminal Investigation and Detection Group-Nueva Vizcaya upang magsagawa nang agarang pag-aresto sa mga kabo at mga empleyado ng jueteng sa nabanggit na lalawigan.
Ang nasabing operasyon ng jueteng ay unang binola sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya noong Lunes (Hunyo 12) kasabay ng ika-108 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa bansa.
Ayon pa sa ulat, sinamantala ng mga jueteng operators ang pagkawala ni Bayombong Bishop Ramon Villena, ang kilalang pinuno ng anti-jueteng movement sa nabanggit na lalawigan.
Sinabi ng isang jueteng collector, nabigyan sila ng go signal noong Lunes na magpataya sa mga nasasakupan lugar kung saan 35-18 ang unang labas sa kanilang bolahan.
Tatlong beses isang araw ang bolahan kung saan ang pinakahuling labas kamakalawa (June 13) ay 09-24 sa umaga, 19-31 naman sa hapon at 11-36 para naman sa ikatlong bola.
Ang Jueteng sa Nueva Vizcaya ay pansamantalang tumigil matapos sibakin noong January 16, 2006 ni PNP chief Director General Arturo Lomibao, ang dating provincial director at isang police chief dahil sa pagsalakay ng mga tauhan ng anti-gambling task force na nagresulta sa pagkaaresto ng ilang kabo at kubrador. (Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended