Sinabi ni Dinalupihan Vice Mayor Leonardo E. Cruz, base sa pag-aaral ng Municipal Disaster Coordinating Council (MDCC), lumilitaw na ang mababang bahagi ng barangay kabilang na ang ilang bahagi ng town proper ay nalalagay sa panganib na lumubog sa tubig-baha.
Napag-alamang pinatigil ng Bataan provincial government ang de-silting operations sa mga ilog na nababarahan ng banlik matapos na mag-expired ang temporary permit na inisyu sa mga lokal na kontratista noong nakalipas na buwan.
Ayon pa kay Cruz, na ang pagpapatigil ng dredging at de-silting operations sa mga ilog ay magkakasabay na madidiskarel ang flood control-related program sa mga apektadong barangay at makasagabal sa ongoing road construction project ng pamahalaan. (Jonie Capalaran)