^

Probinsiya

18 bayan sa Bataan malulusaw

-
DINALUPIHAN, Bataan – Pinaniniwalaang lulubog sa tubig-baha sa pagsapit ng tag-ulan ang labingwalong bayan sa Bataan dahil sa kasalukuyang desisyon ng provincial government na suspindehin ang dredging operations sa mga baradong ilog na sakop nabanggit na lalawigan.

Sinabi ni Dinalupihan Vice Mayor Leonardo E. Cruz, base sa pag-aaral ng Municipal Disaster Coordinating Council (MDCC), lumilitaw na ang mababang bahagi ng barangay kabilang na ang ilang bahagi ng town proper ay nalalagay sa panganib na lumubog sa tubig-baha.

Napag-alamang pinatigil ng Bataan provincial government ang de-silting operations sa mga ilog na nababarahan ng banlik matapos na mag-expired ang temporary permit na inisyu sa mga lokal na kontratista noong nakalipas na buwan.

Ayon pa kay Cruz, na ang pagpapatigil ng dredging at de-silting operations sa mga ilog ay magkakasabay na madidiskarel ang flood control-related program sa mga apektadong barangay at makasagabal sa ongoing road construction project ng pamahalaan. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

AYON

BATAAN

CRUZ

DINALUPIHAN VICE MAYOR LEONARDO E

JONIE CAPALARAN

MUNICIPAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

NAPAG

PINANINIWALAANG

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with