^

Probinsiya

Mt. Mayon sasambulat

-
CAMP CRAME – Matapos magbuga ng tone-toneladang abo at tuluyang humupa ang pag-alburoto ng Mt. Bulusan sa Sorsogon ay nagpakita naman ng abnormalidad ang Mt. Mayon sa Albay kung saan namataan ang biglaang pagbabaga ng bunganga.

Dahil dito, nananatili ang babala ng Office of Civil Defense (OCD) sa mga residente na iwasan pansamantala ang idineklarang 6 kilometer permanent danger zone upang hindi malagay sa panganib ang kanilang buhay sakaling tuluyang sumabog ang nasabing bulkan.

Sa ulat ni Ed Laguerta, Philvocs resident volcanologist na ang pagpapakita ng abnormalidad ng bulkang Mayon ay indikasyong nalalapit na rin itong sumabog tulad nang pinangangambahang pagsabog ng Mt. Bulusan.

Maging ang mga hayop na naninirahan malapit sa paanan ng bulkan ay mistulang nararamdaman na rin ang panganib sa nagbabadyang pagsabog kaya’t nagsisilayas na sa lugar tulad na lamang ng mga sawa, baboyramo, unggoy, bayawak at iba pa.

Sa talaan ng Provincial Disaster Coordinating Center (PDCC), may 4,000 magsasaka mula sa 35 barangay na naninirahan sa paligid ng itinakdang 6 kilometrong permanent danger zone ang nanganganib ang buhay sa pagsabog ng naturang bulkan.

Kabilang naman sa mga lungsod na posibleng maapektuhan ng pagsambulat ng Mayon Volcano ay ang Albay, Tabaco na may 1, 167 residente mula sa mga Barangay Buang, Comon, Buhian, Magapo at Oson; sumunod ang bayan ng Ligao na may 513 at Legazpi na may 430.

Sa mga munisipalidad ay ang Camalig na may 857 residenteng magsasaka, Daraga, 428; Sto. Domingo, 349; Malilipot, 245; Guinobatan, 214 at Bacacay, 49.

Base sa rekord ng Philvocs, noong Pebrero 2, 1993 ay may 77 magsasaka ang namatay matapos na sumabog ang Mayon Volcano.

Samantalang sa kabuuang 221 bulkan sa bansa ay 21 ang ikinokonsiderang aktibo kabilang ang Mayon Volcano. (Joy Cantos at Ed Casulla)

ALBAY

BARANGAY BUANG

ED CASULLA

ED LAGUERTA

JOY CANTOS

MAYON VOLCANO

MT. BULUSAN

MT. MAYON

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PHILVOCS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with