Mag-ina sinaksak ng mga kawatan
June 12, 2006 | 12:00am
SARIAYA, Quezon Nagmistulang hayop na kinatay ang katawan ng isang 40-anyos na misis habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang anak na babae makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang lalaking nanloob sa kanilang bahay sa Barangay Concepcion Palasan, Sariaya, kamakalawa ng madaling-araw.
Si Precy de los Santos na nagtamo ng maraming saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nasawi habang kritikal naman sa kasalukuyan ang anak na si Jamela Amier, 11.
Tugis ng pulisya ang mga suspek na sina Joey Magsino, 26; at isang alyas "Kulot" na residente rin ng naturang barangay.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Charlie Gutierrez, dakong alas-2:30 ng madaling-araw magkasamang natutulog sa kanilang bahay ang mag-ina nang pasukin ng mga suspek sa pamamagitan ng pagsira sa dingding na sawali
Matapos na mamataan si Precy ay agad itong tinadtad ng saksak ng mga suspek at dahil sa ingay ay nagising si Jamela kung kayat nagsisigaw ito at siya naman ang pinagbalingang saksakin.
Sa pag-aakalang napatay na nila ang mag-ina ay mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang hindi nabatid na malaking halaga.
Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya sa direktiba ni P/Chief Insp. Sergio Vivar, police chief ng Sariaya upang madakip ang mga suspek. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended