Trader tinodas ng magnanakaw
June 12, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA. Legazpi City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang Isang 56-anyos na negosyanteng mister, habang sugatan naman ang misis nito makaraang pasukin ang poultry farm ng mag-asawa ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Barangay South Villazar sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Eulogio Patron, samantalang ang misis ni Eulogio ay sugatan matapos na pagtulungang gulpihin at ngayon ay ginagamot sa Sipocot District Hospital.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, natutulog ang mag-asawa nang pasukin ang kanilang bahay sa poultry farm bandang alas-5:30 ng umaga.
Matapos isagawa ang pamamaril ay nilimas ang mga ari-arian ng mag-asawa kabilang na ang malaking halaga ng alahas at apat na cellular phone. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest