Briton pumalag sa akyat-bahay, tinigok
June 12, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 78-anyos na Briton na pumalag sa dalawang kalalakihang pumasok sa kanyang bahay sa Sta. Felomina, Catalunan Grande, Davao City, kamakalawa ng madaling-araw.
Pitong tama ng patalim sa katawan ang tumapos sa buhay ni Derek Keith Whitehouse, samantalang hindi naman sinaktan ang 47-anyos na asawang si Mae Mangingos Whitehouse.
Sa nakalap na mga ebidensya ng pulisya sa crime scene, umakyat sa bubong ng bahay ang dalawang hindi kilalang lalaki saka dumaan sa bintana at dumaan sa kisameng tinungkab para makapasok sa kuwarto ng main bedroom kung saan magkatabing natutulog ang mag-asawa.
Nang makapasok ay agad na tinutukan ng patalim ang mag-asawa at tinakpan ang bibig ng lalaki sabay nagdeklara ng holdap na pilit ipinalalabas ang pera na itinatago ni Derek.
Sumigaw naman si Mae nang wala silang pera kayat nagalit ang mga suspek at agad na pinagsasaksak ang lalaki na tangkang manlaban.
Napag-alamang tumakas ang dalawang kawatan tangay ang P 40,000.00; 100 pounds at isang cellular phone.
Labis namang nagtataka ang pulisya kung bakit hindi sinaktan ng mga suspek ang babaeng asawa ng dayuhan kayat kasama ito sa iniimbestigahan sa naganap na krimen.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang piraso ng kulay berde at kulay asul na lubid na may habang 8 metro, isang electrical tape na kulay itim, kulay abong t-shirt na may tatak na Abercrombine na kulay pula at isang puting plastic. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended