2 patay sa magkahiwalay na karahasan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Sorsogon at Albay, kahapon ng umaga. Ang biktimang si Romeo Labalan, 59, isang janitor sa Icarizan Elementary School ay napagtripang pagbabarilin ng dalawang adik sa droga sakay ng motorsiklo sa Brgy. Central, Magallanes, Sorsogon. Samantalang si Lando Tatad ng Brgy. Tupaz ay binaril at napatay ng mag-utol matapos magkarambulan sa loob ng videoke bar sa Brgy, Buzac, Ligaw City, Albay. Sugatan naman ang suspek na si Lorenzo Cano habang si Rowel Cano ay agad na tumakas. Ayon sa pulisya, sugatan din ang kasama ni Tatad na si Tirso Rebutiaco. Nag-ugat ang rambulan matapos na magalit ang mag-utol sa mga biktimang ayaw magpaawat sa pagkanta. (Ed Casulla)

Show comments