Misis nagutay sa dinamita
June 11, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang 28-anyos na ginang makaraang masabugan ng dinamitang ginagamit ng kanyang mister sa ilegal na pangingisda sa bayan ng Buenavista, Marinduque kamakalawa.
Kinilala ni P/Chief Supt. Delfin Genio, Region 4-B police director, ang biktima na si Flordeliza delos Santos ng Barangay Tungib sa nabanggit na bayan.
Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, ang mister na si Noli delos Santos, 28, na kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Buenavista.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alauna ng hapon nang magtungo ang mag-asawa sa baybay-dagat upang mangisda nang humiram ng palito ng posporo ang biktima sa kanyang mister na ginawang panlinis ng kanyang tenga.
Matapos gamitin ang palito, ibinalik ng biktima ang posporo sa maliit na kahon at inilagay sa loob ng bag kung saan nakalagay ang dinamita na dala ng kanyang asawa.
Ibinigay ng suspek ang bag sa biktima upang bumili ng sigarilyo sa tindahan nang bigla na lamang umalingawngaw ang makatutulig na pagsabog.
Kaagad namang nirespondehan ng mister ang sariling asawa at isinugod sa Damian Reyes Hospital, subalit idineklarang patay sanhi ng mga sugat sa katawan dahil sa pagsabog. (Arnel Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended