Parak tumba sa NPA rebs
June 10, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Tinambangan at napatay ang isang tauhan ng pulisya ng mga rebeldeng New Peoples Army habang ang biktima ay naglalakad patungong presinto sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Panganiban, Catanduanes, kamakalawa ng gabi. Si PO2 Ferdinand Bobiles ay napuruhan sa ulo matapos na pagbabarilin ng mga rebelde bandang alas-8:30 ng gabi. Nawawala ang baril na posibleng tinangay ng mga rebelde. Nagpalabas na ng direktiba ang pamunuan ng Camp Simeon Ola sa lahat ng pulisya na ibayong pag-iingat ang pairalin anumang oras. (Ed Casulla)
CAVITE Kalaboso ang binagsakan ng isang 16-anyos na tinedyer matapos na halayin ang sariling tiyahin na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Guyam Malaki, Indang, Cavite kamakalawa. Ayon kay PO1 Aaron Abesamis, naitala ang krimen ganap na alas-10 ng umaga habang ang biktima 37-anyos ay nag-iisa sa kanyang bahay. Napag-alamang nadiskubre ang insidente ng mga kamag-anakan matapos na magsumbong ang biktima. Posibleng ibigay sa pangangalaga ng Department fo Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek. (Cristina Timbang)
CAVITE Pinagtataqa hanggang sa mapatay ang isang 52-anyos na katiwala sa niyugan ng sariling amo matapos na hindi magkasundo sa partihan ng niyog na naibenta kamakalawa sa bayan ng General Trias, Cavite. Nagmistulang tsinap-chop na karne ng baboy ang katawan ni Isidro Tuballias ng Barangay Alingaro, General Trias. Samantalang nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Rodolfo Cabrera, 54, ng Barangay Halang sa bayang nabanggit. Ayon kay SPO3 Liberato Buladas, senglot ang dalawa nang magtalo tungkol sa pinagbilhan ng niyog hanggang sa mairita ang suspek sa tinuran ng biktima at naisagawa ang krimen. (Lolit Yamsuan)
LUCENA CITY Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 53-anyos na binata habang malubhang nasugatan ang kanyang nakababatang utol matapos pagtulungang saksakin ng mag-ama na pinintasan ng mag-utol dahil sa kakaibang tattoo kamakalawa ng hapon sa Purok Matahimik, Barangay Cotta ng nabanggit na lungsod. Kinilala ni P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, chief of police, ang namatay na si Robert Roadilla habang patuloy na ginagamot sa Quezon Medical Center si Ramil Roadilla, 32, kapwa residente ng Barangay Dalahican. Nasakote naman ang isa sa suspek na si Reynaldo Ramos Sr. 46, samantalang tugis naman si Reynaldo Jr., 21. Ayon kay PO3 Arthur Javier, dumayo ng inuman ang mag-utol sa tindahan ng kanilang kaibigan at nang malasing ay pinintasan ang mga tattoo ng mag-amang suspek hanggang sa maganap ang krimen. (Tony Sandoval)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended