Habambuhay sa 3 killer ng Tsinoy trader
June 10, 2006 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Tatlo-katao kabilang ang isang negosyante ang hinatulan ng mababang korte kahapon ng habambuhay na pagkabilanggo makaraang mapatunayang pumatay sa isang Tsinoy trader noong Enero 2004 sa Norzagaray, Bulacan.
Sa 17-pahinang desisyon ni Judge Crisanto Concepcion ng Malolos City Regional Trial Court, Branch 12, kabilang sa mga hinatulang akusado sina Noelito Papung, Rodolfo Lombindencio, at Mary Ann Medina-Uy, may ari ng 5M Plastic Scraps sa Karuhatan, Valenzuela City.
Bukod sa hatol na habambuhay ay pinagbabayad ang mga akusado ng P275,000 bilang danyos perwisyo sa naulila ang biktima.
Samantalang si Ma. Lourdes Olayres na kasamang inakusahan na kasangkot sa pagpatay kay Evan Tan y Luy ay pinawalang sala ng hukuman.
Base sa rekord ng korte, si Tan na nakikipagnegosyo kay Medina-Uy ay dalawang ulit na binaril sa ulo at natagpuang patay sa bahagi ng Barangay Bitungol, Norzagaray, Bulacan noong Enero 10, 2004.
Hindi sana mareresolba ang kaso dahil walang nakasaksi, subalit biglang lumitaw ang isang bading na si Erickson Sunaya sa himpilan ng pulisya sa Barangay Minuyan, San Jose del Monte noong Enero 21, 2004 at ikinanta ang mga akusado.
Sinuportahan naman ni Alona Nanez y Medina na utol ni Medina-Uy, ang pahayag ni Erica nang mag-ulat siya sa himpilan ng pulisya sa Kampo Alejo noon din Enero 21, 2004.
Sa pahayag ng korte, nagsabwatan ang mga akusado sa pagpatay kay Tan sa nabanggit na barangay maliban kay Olayres. (Dino Balabo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended