Profesor pinatay sa sakal
June 10, 2006 | 12:00am
CAVITE Pinaniniwalaang pinahirapan muna bago pinatay sa sakal ang isang 34-anyos na professor ng Phil. Women University (PWU) ng dalawang kalalakihan sa loob ng sariling bahay sa Barangay Alapan 1A, Imus, Cavite kamakalawa.
Ang biktimang natagpuan sa loob ng palikuran na nakagapos ang mga kamay at paa ay nakilalang si Marc Allan Kris Gualberto ng Block 8 Lot 6, Phase 6 ACM Homes Subd. sa nabanggit na barangay.
Si Gualberto ay may palatandaang pinahirapan muna bago hinubaran sa loob ng kanyang bahay bago pinatay sa sakal ng dalawa nitong bisitang lalaki.
Napag-alamang si Gualberto ay nakapag-loan sa kooperatiba ng P.3 milyon na tinangay ng mga suspek.
Sa nakalap na impormasyon ni PO1 Randy dela Rea, bago natagpuan ang bangkay ni Gualberto ay may dalawang hindi kilalang lalaking bisita ang biktima.
Bandang alauna ng madaling-araw ng Huwebes nang lumabas ng bahay ni Gualberto ang dalawang bisita at nagpahatid sa isang traysikel sa labas ng nabanggit na subdivision, ayon kay PO1 Dela Rea.
Nadiskubre ang krimen matapos na umagos ang tubig mula sa bahay ni Gualberto na posibleng kilala ng biktima ang mga killer.
Malaki ang paniniwala ng pulisya na mamumukhaan ng traysikel drayber ang dalawang lalaki na nagpahatid sa labas ng naturang lugar bago matagpuan ang bangkay ng biktima. (Cristina Timbang, Lolit Yamsuan, Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended