Pinugutan dahil nanggulpi ng asawa

RIZAL – Walang nagawa sa karit ni kamatayan ang isang 45-anyos na mangingisdang nanggulpi ng asawa matapos na tagpasin ang ulo nito ng sariling bayaw sa naganap na karahasan sa Barangay Sipsipin sa bayan ng Jala-Jala, Rizal kamakalawa.

Humiwalay sa katawan ang ulo ni Gregorio Bugtong ng Sitio Libis matapos na tagain ng sariling bayaw na si Rudy Cabarino na utol ng misis ni Bugtong.

Ayon kay P/Insp. Rodolfo Dabalos, bandang alas-9:30 ng gabi nang dumating sa kanilang tahanan si Bugtong mula sa pangingisda at sa hindi nabatid na dahilan ay biglang kinompronta ang asawa at ginulpi.

Narinig naman ng suspek na nakatira lang sa katabing bahay ang sigawan ng mag-asawa kaya agad na tinungo upang mamagitan, subalit siya naman ang pinagbalingan awayan ng biktima.

Kaagad namang umuwi ang suspek at nang bumalik sa bahay ng mag-asawa ay biglang tinaga sa leeg ang biktima na ikinapugot ng ulo nito.

Mabilis namang tumakas ng suspek na pinaniniwalaang iginanti ang kanyang utol sa malupit na kamay ng suspek. (Edwin Balasa)

Show comments