MOU vs kamandag ng aso pinaigting
June 7, 2006 | 12:00am
TRECE MARTIRES CITY, Cavite Lalung pinaigting ang kampanya laban sa kamandag ng aso, rabis makaraang pirmahan nina Cavite Gov. Ayong S. Maliksi at Dr. Ma. Vilma V. Diez, provincial health officer ang memorandum of understanding (MOU) sa pakikipagkasundo ng General Mariano Alvarez Medicare Hospital at Dasmariñas Bagong Bayan Municipal Hospital na ginanap sa Animal Bite Center sa Trece Martires City noong Lunes ng umaga, Hunyo 5.
Sinabi ni Gov. Maliksi na nararapat na bigyang prayoridad ang pakikipagkasundo sa naturang ahensya upang palakasin at palawakin ang kaalaman ng mga Caviteño laban sa kamandag ng aso.
Layunin din ng nabanggit na kasunduan na matulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa Cavite sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng intra-dermal injection ng Active Anti-Rabies Vaccine sa una at huling araw ng pagpapagamot.
Umaabot sa P4,000 hanggang P5,000 ang pagpapabakuna kaya malaking katipiran sa mga maralitang Caviteño ang naturang programa at napili ang GMA Medicare Hospital at DBB Municipal Hospital dahil ito ang may pinakamaraming naitalang may sakit na rabies.
"Nagagalak ako sa suportang ibinibigay ni Gov. Maliksi sa pagsusulong ng programang pangkalusugan ng Cavite. Umaasa ang pamunuan ng PHO na makakamit ng mga Caviteño ang pagkakaroon ng malusog at maliksing mamamayan," Dagdag pa ni Dr. Diez. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended