^

Probinsiya

Suspek sa Doton’s slay timbog

-
CAMP CRAME – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isa sa mga suspek na responsable sa pagkakapatay sa opisyal ng militanteng grupo na Bagong Alyansang Makabayan sa isinagawang operasyon sa bayan ng Asingan, Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.

Ang suspek na si Joel Flores na natukoy ang pagkikilanlan matapos makuha ang plate number ng motorsiklong Honda TMX (HM-8571) na ginamit sa krimen.

Base sa ulat, si Flores na naaresto noong Hunyo 1 ay hindi kaagad iniharap sa mga mamamahayag dahil sumasailalim pa ito sa tactical interrogation upang ituro ang iba pang suspek sa pagpatay kay Jose Doton, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan.

Napag-alamang nakumpiskahan ng baril si Flores matapos na manutok sa isang pulis at lumilitaw sa pagsusuri ng PNP Crime Lab sa Urdaneta City na positibo ang baril na ginamit sa pagpatay kay Doton.

Matatandaang si Doton ay pinagbabaril hanggang sa mapatay habang lulan ng motorsiklo at bumabagtas sa kahabaan ng Anong Road sa Barangay Camanggaan, San Nicolas, Pangasinan noong Mayo 16, 2006. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANONG ROAD

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BARANGAY CAMANGGAAN

CRIME LAB

DOTON

JOEL FLORES

JOSE DOTON

JOY CANTOS

PANGASINAN

SAN NICOLAS

URDANETA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with