Kasalukuyang sumasailalim sa quarantine treatment ng Rural Health Unit (RHU) ang boung paligid ng nabanggit na lugar upang maiwasang makaapekto sa may 300 pamilyang naninirahan.
Hind na pinayagan ng medical team na makalabas ang mga residente sa resettlement site hanggat hindi nasisigurong ligtas ang mga ito sa malaria habang ang 60-katao na maysakit ay hiniwalay sa ibang residente.
Ayon sa ilang doktor ang nasabing resettlement site ay pinamumugaran ng lamok na nagtataglay ng virus na sakit na malaria.
Agad namang nagbigay ng mga gamot ang medical team sa mga residente na pansamantalang lunas sa nasabing sakit.
Nag-ugat ang paglaganap ng malaria matapos na i-relocate ang mga residente mula sa pinagtayuan ng proyektong Hanjin Shipping shipyard na pinamahalaan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). (Jeff Tombado)