^

Probinsiya

Malaria outbreak sa resettlement site

-
SUBIC, Zambales – Pinaniniwalaang nagkaroon ng malaria outbreak sa resettlement site makaraang maapektuhan ang may 60 residente na karamihan ay mga bata sa Sitio Agusuhin sa Barangay Cawag sa bayan Subic, Zambales.

Kasalukuyang sumasailalim sa quarantine treatment ng Rural Health Unit (RHU) ang boung paligid ng nabanggit na lugar upang maiwasang makaapekto sa may 300 pamilyang naninirahan.

Hind na pinayagan ng medical team na makalabas ang mga residente sa resettlement site hangga’t hindi nasisigurong ligtas ang mga ito sa malaria habang ang 60-katao na maysakit ay hiniwalay sa ibang residente.

Ayon sa ilang doktor ang nasabing resettlement site ay pinamumugaran ng lamok na nagtataglay ng virus na sakit na malaria.

Agad namang nagbigay ng mga gamot ang medical team sa mga residente na pansamantalang lunas sa nasabing sakit.

Nag-ugat ang paglaganap ng malaria matapos na i-relocate ang mga residente mula sa pinagtayuan ng proyektong Hanjin Shipping shipyard na pinamahalaan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). (Jeff Tombado)

AYON

BARANGAY CAWAG

HANJIN SHIPPING

JEFF TOMBADO

KASALUKUYANG

RURAL HEALTH UNIT

SITIO AGUSUHIN

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with