Sayyaf pasimuno sa pagpasok ng JI terrorists MILF
June 5, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Idiniin kahapon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga bandidong Abu Sayyaf na siyang pasimuno sa kaalyado nitong Jemaah Islamiyah (JI) terrorist group na makapasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng backdoor entry sa rehiyon ng Mindanao.
Una rito, inihayag ng mga opisyal ng Malaysian Police na tinatayang pitong JI terrorists kabilang sina Dulmatin at Omar Patek, ang dalawang mastermind sa pamboboma sa Bali, Indonesia noong 2002 na kumitil ng buhay ng may 200 katao ay nakapasok sa bansa sa tulong ng grupong Darul Islam sa pagitan ng 2003 hanggang Marso 2006.
"There is no other aside from the Abu Sayyaf, which facilitated the entry of JI in Mindanao," ani MILF Spokesman Eid Kabalu na nagsabing batid ng AFP ang kooperasyon ng JI at Abu Sayyaf sa paghahasik ng terorismo partikular na sa rehiyon ng Mindanao.
Ang JI ay ang Southeast asian terrorist group na naitatag ni Osama bin Laden na siya namang sinasabing mastermind at financier ng numero unong terorista sa buong mundo.
Ayon naman kay Brig. Gen. Benjamin Dolorfino, deputy commander ng AFP-Southcom, taliwas sa impormasyon ng Malaysian Police ay 30 JI members na ang namonitor ng military na nakapasok na sa Pilipinas at nagsasagawa ng pagsasanay.
Nabatid na si Dulmatin o Joko Pitono sa tunay na buhay at Patek ay huling namonitor ang presensya sa Central Mindanao noong 2005 habang kasamang tumatakas at nagtatago ni Abu sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani.
Si Patek at Dulmatin ay namonitor rin ng mga assest ng military na kasama umano ang puwersa ng MILF sa Maguindanao at Lanao del Sur na pinaniniwalaang lugar na pinagdadausan ng pagsasanay ng mga lider terorista at rebeldeng Muslim. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am