^

Probinsiya

Bombang ginamit kay Gov. Sanchez, mahirap nang matukoy- experts

-
CAMP CRAME – Inamin kahapon ng pamunuan ng Philippine Bomb Data Center sa PNP Headquarters na mahihirapan na silang matukoy kung anong klaseng eksplosibo ang ginamit sa pambobomba sa sasakyan ni Batangas Gov. Armando Sanchez bagaman unang lumabas na C-4 bomb ang uri nito na ginagamit ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa mga bomb analyst experts sa naturang center, ito ay sa kadahilanang kontaminado na ang crime scene dahilan upang masira ang mga ebidensya matapos na tubigin ng mga nagrespondeng bumbero sa lugar na pinangyarihan ng pagpapasabog nang iapula nila ang apoy sa nasusunog na sasakyan ng gobernador.

Samantala, dalawa hanggang tatlong linggo pa ang itatagal sa pagamutan ni Sanchez dahil sa tinamo nitong 2nd degree burns bunga ng naturang insidente.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 4, bagaman idineklara ni Provincial Health Officer Dr. Isagani Bolompo na ligtas na ang gobernador ay kailangan pa nitong manatili ng 2-3 linggo para sa kanyang tuluyang paggaling.

Bunga ng pagtatangka sa kanyang buhay ay nagdagdag na rin ng security personnel ang gobernador at pamilya nito. (Joy Cantos)

ARMANDO SANCHEZ

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BATANGAS GOV

BUNGA

DR. ISAGANI BOLOMPO

INAMIN

JOY CANTOS

PHILIPPINE BOMB DATA CENTER

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with