Maton dinedo ng pulis
June 1, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Naging mitsa ng buhay ng isang maton ang pananapak nito sa isang pulis matapos itong barilin at mapatay sa harapan ng isang videoke bar sa Daraga, Albay kamakalawa.
Idineklarang patay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City ang biktimang si Joel Marcial, samantalang tumakas ang suspek na si PO2 Benedict Aldea, nakatalaga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 5 sa Camp Olivas, Gen. Simeon Ola sa Legazpi City.
Sa ulat, naganap ang insidente sa harapan ng Daisy Otso Videoke Bar sa Brgy. Kimantong, Daraga, Albay dakong ala-1:55 ng madaling-araw.
Sa inisyal na imbestigasyon, di sinasadyang nagkabanggaan ang biktima at ang suspek matapos na magkasalubong.
Dahil dito, nagkaroon nang pagtatalo hanggang suntukin ng biktima ang nasabing parak at dahil sa kahihiyan matapos mawalan ng balanse ay nagbunot ng baril.
Pinaputukan ng parak ang biktima na duguang bumulagta at nabigo na ang pagtatangkang isalba ang buhay nito sa nasabing pagamutan.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at isang pares ng tsinelas habang patuloy ang pursuit operation sa tumakas na parak. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended