Pansit, bumaha sa Lucena
May 31, 2006 | 12:00am
LUCENA CITY Bumaha ng tatlong libong kilo ng pansit na mike sa kahabaan ng Quezon Avenue ng nabanggit na lungsod kamakalawa makaraang isagawa ang Chami Carnivale bilang bahagi ng pagdaraos ng taunang Pasayahan.
Popular sa lungsod ang chami o pansit dahil sa kakaibang sarap nito na niluluto sa ibat ibang restaurant na dinarayo pa ng mga dayuhan at lokal na turista.
Ang nilutong tatlong libong kilong chami ay inilagay sa isang higanteng bilao na may sukat na 4.5 meters ang bilog kung saan ay pinuno ito ng chami mula sa 24 restaurants na lumahok sa chami carnivale at ipinakain sa lahat ng mga sumaksi.
Sa pasarapan at kakaibang sangkap ng chami ay nakakuha ng unang gantimpala si Azanette Alegre na pinagkalooban ng P20,000, P15,000 ang ibinigay kay Bryan James Punzalan para sa pangalawang puwesto habang P15,000 ang napasakamay ng ikatlo na si Carmencita Villarita.
Nilalayon ng chami carnivale na ipakilala, hindi lamang sa buong bansa manapay sa abroad ang kagalingan at kasarapan ng mga Lucenahin sa pagluluto ng chami. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
6 hours ago
Recommended