Kabilang sa mga inakusahan ni Elvira Lapid Manuel, ina ng biktima ay sina PO1 Jane Ponciano, SPO4 Nicanor Leyba at SPO1 Armando Pagapong na nagpalaya sa mga suspek na sina Joey Rivera, Jaymie Tungol, John Erick de Jesus at Boyeth Rivera, samantalang ang pangunahing suspek sa rape case na anak ni Barangay Captain Danilo "Bok" Santos na si Marck Daniel Santos ay hindi inaresto ng pulisya sa hindi nabatid na dahilan.
Base sa reklamo ng biktima, naganap ang rape matapos siyang yayaing manood ng volleyball sa plaza ng kanyang matalik na kaibigang si Jaymie Santos, suspek na naglagay ng pampatulog sa juice.
Sa salaysay ng biktimang 15-anyos, magkakasama silang nagmeryenda ng mga suspek hanggang sa makaramdam nang pagkahilo dahil sa ininom na juice hanggang sa maganap ang maitim na balak.
Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima, kasama ang mga magulang kaya agad namang dinakip ang mga suspek, subalit ang isa sa suspek na anak ng barangay captain ay di inaresto.
Sa panig naman ni SPO4 Leyba, pinalaya nila ang mga suspek dahil sa pawang mga accessories lamang at ang pangunahing suspek na si Marck Daniel Santos, kasalukuyang nakalalaya pa.
Malaki ang paniniwala ng mga magulang ng biktima na naimpluwesiyahan ng mataas na opisyal ng lokal na pamahalaan ng Hermosa, Bataan, ang mga imbestigador na humahawak ng nasabing kaso. (Jonie Capalaran)