Di nakapag-enrol, stude nag-suicide
May 31, 2006 | 12:00am
ABUCAY, Bataan Minasama ng isang 15-anyos na estudyante ang desisyon ng mga guro sa Bataan National High School na hindi siya tanggapin sa enrollment kaya nag-suicide sa tulay na ilog ng Calaguiman Roman Expressway sa bayan ng Abucay, Bataan, kamakalawa.
Si Noel Añosa ng Sitio Malaking Bato sa Barangay Mabatang, Abucay, Bataan ay tumalon mula sa may 15 talampakang lalim ng tulay at namatay matapos na mabigong makapag-enrol sa nabanggit na hayskul sa Barangay Tenejero, Balanga City, Bataan.
Napag-alamang sinamahan ng kanyang ama ang biktima para mag-enrol, subalit tinanggihan ng mga guro dahil sa may kulay ang buhok at dalawang butas sa tainga.
Kahit na nakiusap ang ama na si Rolly Añosa sa mga guro ay hindi pa rin tinanggap ang biktima kaya nagdesisyon na lamang ang mag-ama na umuwi.
Pagbaba sa sasakyan ng mag-ama ay biglang tumalon ang biktima mula sa malalim na tulay na ang binagsakan ay mga tipak ng bato.
Kaugnay nito, nanawagan si Rolly Añosa sa mga guro, di lamang sa mga pampublikong paaralan na sanay maging maunawain sila sa pagtanggap ng mga mag-aaral para hindi na mapamarisan ang ganitong masaklap na sakuna.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended