Parak dinedo, misis kritikal
May 30, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Hindi na sinikatan ng araw at agad na kinalawit ni kamatayan ang isang 38-anyos na tauhan ng pulisya matapos na ratratin ng mga rebeldeng New Peoples Army na ikinasugat naman ng kanyang misis sa Immaculate Concepcion Village, Barangay Lajong, Bulan, Sorsogon, kamakalawa ng umaga. Sapol sa ulo at katawan ang biktimang si PO3 Zapiro Gajor ng 509th Police Provincial Mobile Group, samantalang ginagamot sa Irosin District Hospital si Liza Gojar na nagbalik-bayan mula sa ibang bansa. Ayon kay P/Senior Supt. Joel Regondola, police provincial director, naglilipat ng mga gamit ang mag-asawang Gojar sa bago nilang bahay nang lapitan ng mga rebelde at isagawa ang krimen. (Ed Casulla)
CAMP CRAME Madugong bakbakan ang sumiklab sa pagitan ng magkalabang angkan na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang sibilyan at ikinasugat ng malubha ng dalawa pa sa bahagi ng Lukk, Sulu kamakalawa. Kinilala ang mga napaslang na sina Gardia Purang at Haropn Tayyah, samantalang sugatan naman sina Salip Muksan Saggad at Joen Misuari na kapwa angkan ng pamilya Abdu. Ayon sa ulat, ganap na alas-4 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang mainitang komprontasyon sa pagitan ng grupo nina Salip Abdu Maulana at Berthamin Illih. Rumesponde naman ang mga tauhan ng Sulu Provincial Police Office at 1514th Provincial Mobile Group para magmintina ng seguridad. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am