Misis pinilahan sa beach resort

OLONGAPO CITY — Maitim na balak ang sinapit ng isang 38-anyos na misis sa kamay ng siyam na buhong na kalalakihan matapos na kaladkarin at pilahan sa beach resort na sakop ng Barangay Baretto, Olongapo City noong Linggo ng madaling-araw.

Kabilang sa mga suspek na pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ay sina Ram Guttierez, 26; Ranier Macam, 20; Jason Cunana, 21; Jason Yu, 21; Wilmard Guttierez, 18; Jaycee Cingian, 20; Ellizer Muli, 20; Jonel Linmiac, 20; at Jonas Guttierez na pawang residente ng Angeles City, Pampanga. Ayon kay P/Senior Supt. Florencio Buentipo Jr., police director, ang biktima na taga-Naic, Cavite ay nagbabakasyon lamang sa nabanggit na lungsod nang kaladkarin ng mga senglot na suspek patungo sa loob ng Zebra Beach Resort habang bumibili ng pang-almusal.

Napag-alaman kay PO3 Bernard Macarenas, hindi pa nakontento ang mga suspek kung saan pinasok pa sa nakaparadang jeepney ang biktima at muling pinilahan. (Jeff Tombado)

Show comments