3 natigok sa longganisa
May 29, 2006 | 12:00am
CABANATUAN CITY Dahil umano sa pagkain ng expired o sirang longganisa, pawang nangamatay ang mag-asawa at panganay nilang anak habang nalagay sa delikadong sitwasyon ang tatlo pang bata sa Purok 4, Brgy. Valle Cruz, lungsod dito sa Nueva Ecija noong Biyernes ng tanghali.
Kinilala ng pulisya ang mga nalason na sina Fernando Juan, 37, asawang si Janet, 34, at panganay nilang anak na si Christian, 14, ng naturang lugar.
Samantala, ligtas na sa tiyak na kapahamakan at nagpapagaling ngayon sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital ang tatlong bata na anak ng mag-asawang Juan na sina Sarah, 12; Jasper, 5, at Camille, 4-taong gulang.
Ayon kay SPO3 Rommel Nabong, may hawak ng kaso, longganisa at broccoli lamang umano ang kinain ng mag-anak na Juan na siyang hinihinalang nakalason sa mga ito.
Nabatid na noong Biyernes, dakong alas-11 ng umaga, nang mananghalian ang mga biktima. Dakong alas-2 ng hapon nang humilab ang kanilang tiyan hanggang sa mamilipit at makaramdan ng matinding sakit ang mga biktima.
Tanging ang anak lamang na si Carla, 10-anyos ang hindi nalason matapos hindi ito kumain ng kanilang iginayak na pagkain. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended