1 pang newsman tinodas!
May 29, 2006 | 12:00am
LAGUNA Isa na namang mamamahayag ng lokal na pahayagan dito at tumatayo ring regional secretary ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang pinaslang matapos tambangan ng dalawang lalaki sa Calamba City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Supt. Ronald Bustos, hepe ng Calamba City Police, ang biktima na si Noli Capulong, 52, may-asawa, kolumnista ng weekly newspaper na Batingaw at residente ng Brgy. 3, Lepaño Subdivision, Calamba City.
Dead-on-the-spot si Capulong matapos magtamo ng mga tama ng bala sa kanyang dibdib, pigi at kamay mula sa kalibre .45 bago mabilis na nagsitakas ang mga suspek. Siya ay isa sa mga founding members at regional secretary ng Bayan-Southern Tagalog, dating regional coordinator ng Bayan Muna-Southern Tagalog at nagsisilbi pang Spokesperson ng Southern Tagalog Environmental Movement (STEM).
Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng hapon, katatapos lamang makipagpulong ng grupo ni Capulong sa chairman ng Barangay 7, kasama ang iba pang militanteng grupo, hinggil sa isyu ng pagpapalayas sa mga squatter na nakatira sa lupaing pag-aari ng isang pamilya Belarmino sa naturang barangay nang siya ay tambangan.
Isinusulong umano ng mga militanteng grupo ang kahilingan ng mga squatter upang bilhin na ng lokal na pamahalaan ang nasabing lupain para hindi na mapalayas ang mga naninirahan doon.
Ayon kay Bustos, nagmamaniobra ng sasakyan si Capulong sa may parking lot ng pinagdausan ng pulong sa Barangay Parian nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim na bonnet sakay sa isang motorsiklo at saka pinagbabaril ang biktima. (Ed Amoroso, Arnell Ozaeta At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest