4 tumba sa atake ng mga rebelde

CAMP CRAME – Apat-katao ang iniulat na natodas matapos ang madugong pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Brgy. San Roque sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur, ayon sa ulat kahapon. Sa sketchy report na isinumite sa PNP-Central Operations Center, di mabilang na mga rebeldeng NPA na pinamumunuan ni Kumander Arman Noriel ang umatake sa kinaroroonan ng mga tropa ng Special Operations Team ng Army’s 29th Infantry Battalion na nagresulta ng pagkamatay nina Pfc. Allan Quimot at Pfc. Elbir Mendez. Samantala, ilang sundalo ang nasugatan at kasalukuyang bineberipika pa ang pagkikilanlan ng dalawang sibilyang nadamay sa madugong atake ng mga rebelde. Agad namang umatras ang mga rebelde matapos ang ilang minutong bakbakan laban sa tropa ng militar. Malaki ang posibilidad na may sugatan sa panig ng mga rebelde dahil sa mga patak ng dugo sa direksyong pinagdaanan ng grupong maka-Kaliwa. (Angie Dela Cruz)

Show comments