^

Probinsiya

Photo ng multo sa cellphone inilantad

- Ni Tony Sandoval -
LUCENA CITY – Inilantad na ng tatlong estudyante ng Nursing ang photo ng cellphone ghost kung saan kuha ng isa sa kanilang kaibigan upang patunayan ang kanilang karanasan sa loob mismo ng Quezon Medical Center.

Kasunod nito, mabentang-mabenta at pangunahing paksa ngayon sa mga umpukan sa nabanggit na lungsod ang multo sa celfon, at karamihan sa mga nakarinig ng kuwento at nakabasa sa pahayagang ito ay naghahanap na ngayon ng kopya ng larawan.

Ilan sa mga nakapanayam ng PSN na bagama’t hindi direktang nagpatukoy ng pangalan ay nagsabing sila ay kinilabutan habang ang ilan naman ay nagsabing isa lamang itong malikmata.

Isang kawani ng Quezon Medical Center na nagpatago ng pangalan, ang nagsabi na hindi na bago sa naturang ospital ang pagpapakita at pagpaparamdam ng mga taong namayapa na dahil noon pa man ay may mga pagkakataon ng nakaranas ng ganito ang mga datihang kawani sa ilang pasilidad ng nabanggit na ospital partikular sa lumang morgue.

Maaari rin naman na ang lumabas na image ng white lady sa likuran ng tatlong estudyante na nagpakuha ng souvenir photo ay likha ng may alam sa teknikalidad sa computer, subalit kinumpirma ng eksperto sa White House Studio na hindi retoke ang larawan ng multo.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng nabanggit na ospital upang patotohanan kung ang larawan ng tatlong estudyante ay mismong kuha sa Quezon Memorial Center.

Hindi naman naging kabawasan sa mga nagtutungong pasyente at kawani sa nabanggit na ospital ang lumabas na multo sa celfon, bagama’t ang karamihan ay nakikiramdam sa paligid at patuloy pa rin ang pang-araw-araw na gawain

vuukle comment

HANGGANG

ILAN

INILANTAD

ISANG

KASUNOD

MAAARI

QUEZON MEDICAL CENTER

QUEZON MEMORIAL CENTER

WHITE HOUSE STUDIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with